Friday, January 25, 2008

Gamot daw sa beke

Isang natutunan ko sa mga matatanda ang nakaugalian nilang paggagamot ng beke sa sinaunang pamamaraan. Masasabi din itong isang herbal na gamutan. Try nyo rin kung meron man kayong beke, wala namang mawawala, malay n'yo 'yan pa nga ang makagaling sa inyo.

Kumuha ng dahon ng oregano at dikdikin ito ng ulo ng walis tingting. Kapag kumatas na, ito ang itapal sa namamaga n'yong beke. Madali daw iyang makapagpahupa. Di ko lang agad nasubukan nung kasagsagan pa ng beke ko kasi kanina ko lang nalaman sa kapatid ko. Medyo magaling na kasi ang beke ko, masakit na lang s'ya kapag hinihipo pero paga pa ng konti. Pray ko sana di mahawa ang aking little angel. Thanks po Lord.

Nga pala birthday ngayon ng bestfriend kong si Elsa, Happy Birthday best! at sa lahat ng may kaarawan ngayon, Happy Birthday sa inyong lahat! More wishes, love & success! God bless! :)

No comments: